Monday, October 11, 2010

ang alamat ng paruparo

ANG ALAMAT NG PARUPARO

May isang mabait na Diwata sa kagubatan. Marami siyang mga alagang hayop at mga halamang namumunga at namumulaklak. Dahil napakabait niya ay maraming mga tao mula sa kapatagan ang pumupunta sa kanya. Bata at matanda ay nanghihingi sa kanya ng mga bulaklak, gulay at prutas na kanyang ani. Kahit karne ay nagbibigay din siya lalo na sa mg alam niyang mahihirap.
Walang sawa ang kanyang pagtulong.
“Isa lang naman ang ibig kung ipakiusap. Igalang ninyo ang mga halaman a mga hayop sa bundok. Pangalagaan ninyo sila,” samo niya sa mga tao.
Sinunod naman siya ng mga tao.
May dalawang babae na taga ibang lugar ang nakabalitansa mga magagandang pananim ng diwata. Nagtungo ang mga ito sa kagubatan upang manguha ng mga magagandang bulaklak.
“Napakagaganda nga ng mga bulaklak. Maipagbibili natin ng mahal ang mga iyan,” tuwang-tuwa nilang sabi habang nakasilp sa harden ng diwata.
Hinintay ng dalawang babae na maka-alis ang diwata bago nila pinasok ang Harden. Pinili nila ang pinakamagagandang bulaklak at agad nilang pinagpipitasan ang mga ito.Pinili rin nila ang pinakamalalaki at pinakamakukulay. Marami na silang napitas ay ayaw parn nilang tumigil.
“Kunin na natin ang lahat n gating mkukuha. Baka mtagalan na bago tayo makabalik,” ang sabi ng isa.
Noon dumating ang diwata. Nanlumo ito ng makita ang ginawa ng dalawang babae sa kanyng mga tanim. Sa galit ng diwata iwinasiwas niya ang kanyang gintong Baston. Sa isang iglap lumiit ang dalawang babae at nagging mga kulsap na may makukulay na pakpak.
“Gusto ninyo ng mga bulaklak kaya ibibigay ko ang gusto niyopero hind ninyo sila mapipitas,” anang diwata sa dalawang kulisap na lilipad-lipad sa kanyang harapan.
Hanggang sa ngayon ay nagpapalipat-lipat lamang ang dalawang insekto sa mga bulaklak. At sila ay tinawag na Paruparo.

No comments:

Post a Comment